Nehemias 9 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Ipinahayag ni Ezra ang Kasalanan ng Israel

1Noong ika-24 na araw ng buwan ding iyon, nagtipon ang mga Israelita upang mag-ayuno. Nagsuot sila ng damit-panluksa at naglagay ng abo sa kanilang ulo upang ipahayag ang pagsisisi sa kanilang mga kasalanan.

2Lumayo sila sa mga dayuhan. Tumayo sila upang ipahayag ang kanilang mga kasalanan at ng kanilang mga ninuno.

3Nanatili silang nakatayo sa kanilang kinaroroonan sa loob ng tatlong oras samantalang binabasa sa kanila ang Kautusan ni Yahweh na kanilang Diyos. Pagkatapos, tatlong oras din silang nagpahayag ng kanilang mga kasalanan at sumamba kay Yahweh na kanilang Diyos.

4Noo'y nasa isang entablado ang mga Levitang sina Jeshua, Bani, Kadmiel, Sebanias, Buni, Serebias, Bani at Kenani at nananalangin nang malakas kay Yahweh na kanilang Diyos.

5Sina Jeshua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias ay nanawagan sa mga tao upang sumamba. Sabi nila:

“Tumayo tayo at purihin ang Diyos nating si Yahweh.

Purihin siya ngayon at magpakailanman!

Purihin ang kanyang dakilang pangalan,

na higit na dakila sa lahat ng papuri!”

Pagpapahayag ng Kasalanan

6At ang lahat ay sama-samang nanalangin ng ganito:

“Yahweh, ikaw lamang ang Panginoon;

ikaw ang lumikha ng kalangitan

at ginawa mo ang lupa, ang langit ng mga langit,

ang lahat ng bituin doon, at lahat ng narito;

ang dagat at ang lahat ng naroroon.

Binibigyang buhay mo sila,

at ika'y sinasamba ng buong kalangitan.

7Ikaw,

10Gumawa sa pamamagitan ng mga propeta,

ngunit hindi pa rin sila nakinig.

Kaya't ipinasakop mo na naman sila sa mga dayuhan.

31Ngunit dahil sa iyong labis na kahabagan,

hindi mo rin sila ganap na nilipol at itinakwil.

Ikaw ay mapagpatawad at mahabaging Diyos!

32“O2 Ha. 15:19, 29; 17:3-6; Ez. 4:2, 10. aming Diyos, napakadakila mong Diyos,

kakila-kilabot ang iyong kapangyarihan.

Tumutupad ka sa iyong kasunduan at mga pangako.

Mula pa nang kami'y sakupin ng mga hari ng Asiria,

hanggang ngayo'y labis ang aming paghihirap.

Naghirap ang aming mga hari at pinuno,

mga pari, mga propeta, at ang mga ninuno.

Ang iyong buong bayan ay dumanas ng kahirapan,

kaya't alalahanin mo ang aming pagdurusa.

33Makatuwiran ka sa iyong pagpaparusa sa amin;

naging tapat ka sa kabila ng aming pagkakasala.

34Ang aming mga ninuno, hari, pinuno at pari

ay hindi sumunod sa iyong Kautusan.

Sinuway nila ang iyong mga utos at babala.

35Sa gitna ng kasaganaang kanilang tinatamasa, sa ilalim ng mabuting pamamahala ng kanilang mga hari,

sa kabila ng malalawak at matatabang lupaing kanilang minana,

hindi pa rin sila naglingkod sa iyo at nagsisi sa kanilang mga kasalanan.

36Ngayon, sa lupaing ito na iyong ipinamana,

sa lupaing ito na ang pagkain ay sagana, kami'y busabos at alipin.

37Ang dahilan ay ang aming pagkakasala,

kaya ang nagpapasasa sa ani ng bukid ay ang mga haring sa ami'y lumupig.

Nasusunod nila anumang gustuhin, pati mga kawan nami'y inaangkin.

O sukdulan na itong hirap namin!”

Pangakong Susundin ang Kautusan

38Dahil dito, kaming sambayanang Israel ay gumawa ng isang kasulatan ng sinumpaang kasunduan. Ito'y lubos na sinang-ayunan at nilagdaan ng aming mga pinuno, mga Levita at mga pari.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help