Mga Awit 68 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Pambansang Awit ng PagtatagumpayAwit na katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.

1Magbangon ka, O Diyos, kaaway ay pangalatin,

at ang mga namumuhi'y tumakas sa kanyang piling!

2Kung paano'ng yaong usok tinatangay noong hangin, gayon sila itataboy, gayon sila papaalisin;

at kung paanong kandila sa apoy ay natutunaw,

sa harap ng Panginoon ang masama ay papanaw.

3Ngunit lahat magagalak, matutuwa ang matuwid;

sa harapan nitong Diyos, galak nila'y di malirip.

4Awitan natin ang Diyos, purihin ang kanyang ngalan,

maghanda ng isang landas upang kanyang maraanan;

ang pangalan niyang Yahweh, magalak na papurihan.

5Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo,

tumitingin sa ulila't sanggalang ng mga balo.

6May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot,

ang bilanggo'y hinahango upang sila ay malugod;

samantalang ang tirahan ng suwail ay malungkot.

7Diyos, nang ang iyong mga lingkod samahan sa paglalakbay,

sa pagbagtas sa malawak na lupaing mga ilang, (Selah)

8ang

20Ang ating Diyos ay isang Diyos na ang gawa ay magligtas,

si Yahweh ang Panginoon, Panginoon nating lahat!

Sa bingit ng kamataya'y hinahango tayo agad.

21Mga ulo ng kaaway ay babasagin ng Diyos,

kapag sila ay nagpilit sa kanilang gawang buktot.

22Si Yahweh ang nagsalita: “Ibabalik ko sa iyo kaaway na nasa Bashan;

hahanguin ko nga sila sa gitna ng karagatan,

23upang kayo'y magtampisaw sa dugo na bubuhos,

sa dugo nilang yaon, pati aso ay hihimod.”

24Mamamasdan ng marami ang lakad mong matagumpay,

pagpasok ng Diyos kong hari, sa may dako niyang banal.

25Sa unaha'y umaawit, tumutugtog sa hulihan,

sa gitna'y nagtatamburin ang babaing karamihan.

26“Ang Diyos ay papurihan, kung magtipong sama-sama,

buong lahi ng Israel papurihan ninyo siya!”

27Yaong lahi ni Benjamin, maliit ma'y nangunguna,

kasunod ay mga puno at pulutong nitong Juda;

mga puno ng Zebulun at Neftali'y kasunod na.

28Sana'y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan,

ang lakas na ginamit mo noong kami'y isanggalang.

29Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo,

na pati ang mga hari doo'y naghahandog sa iyo,

30pagwikaan mo ang hayop, ang mailap na Egipto;

sabihan ang mga bansang parang torong may bisiro;

hanggang sila ay sumuko, maghandog ng pilak sa iyo.

Ang lahat ng maibigin sa digmaa'y ikalat mo!

31Mula roon sa Egipto, mga sugo ay darating,

ang Etiopia'y daup-palad na sa Diyos dadalangin.

32Umawit sa Panginoon ang lahat ng kaharian,

awitin ang pagpupuri't si Yahweh ay papurihan! (Selah)

33Purihin ang naglalakbay sa matandang kalangitan;

mula roo'y maririnig ang malakas niyang sigaw!

34Ipahayag ng balana, taglay niyang kalakasan,

siya'y hari ng Israel, maghahari siyang tunay;

'yang taglay niyang lakas ay buhat sa kalangitan.

35Kahanga-hanga ang Diyos sa santuwaryo niyang banal,

siya ang Diyos ng Israel na sa tana'y nagbibigay

ng kapangyariha't lakas na kanilang kailangan.

Ang Diyos ay papurihan!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help