Marcos 14 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Ang Masamang Balak Laban kay Jesus(Mt. 26:1-5; Lu. 22:1-2; Jn. 11:45-53)

1Dalawang Habang siya'y kumakain, dumating ang isang babaing may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng napakamahal na pabango mula sa katas ng purong nardo. Binasag niya ang sisidlan at ibinuhos ang pabango sa ulo ni Jesus.

4Nagalit ang ilang naroroon at sila'y nag-usap-usap, “Bakit niya inaksaya ang pabango?

5Maaaring ipagbili iyon nang mahigit sa tatlong daang salaping pilak at maibigay sa mga mahihirap ang pinagbilhan!” At pinagalitan nila ang babae.

6Ngunit sinabi naman ni Jesus, “Bakit ninyo siya ginugulo? Pabayaan ninyo siya! Isang mabuting bagay ang ginawa niyang ito sa akin.

7Sapagkat

69Nakita na naman siya ng babaing katulong at sinabi sa mga naroon, “Ang taong ito'y isa sa kanila!”

70At muling nagkaila si Pedro.

Makalipas ang ilang sandali, sinabi kay Pedro ng mga nakatayo roon, “Talagang isa ka nga sa kanila. Taga-Galilea ka rin, hindi ba?”

71“Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!” sagot ni Pedro.

72Siya namang pagtilaok muli ng manok. Naalala ni Pedro ang sinabi sa kanya ni Jesus, “Bago tumilaok ang manok nang makalawa, tatlong beses mo akong ikakaila.” Nanlumo siya at nanangis.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help