Mga Awit 93 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Ang Diyos ang Hari

1Si Yahweh ay naghahari, na ang suot sa katawan

ay damit na maharlika at puspos ng kalakasan.

Matatag na itinayo ang sandigan ng daigdig,

kahit ano ang gawin pa'y hindi ito mayayanig.

2Ang trono mo ay matatag simula pa noong una,

bago pa ang kasaysayan, ika'y likas na naro'n na.

3Tumataas nga, O Yahweh, ang tubig ng mga ilog,

lumalakas ang lagaslas habang sila'y umaagos;

maingay na mga alon katulad ay pagkalabog.

4Parang tubig na marami, ang buhos ay parang kulog,

malakas pa kaysa alon ng dagat na mayro'ng unos;

higit pa sa mga ito si Yahweh na dakilang Diyos.

5Walang hanggan, O Yahweh, ang lahat ng tuntunin mo,

sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help