Mga Awit 62 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Pagtitiwala sa Pag-iingat ng DiyosKatha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit na si Jeduthun.

1Tanging sa Diyos lamang ako ay aasa;

ang kaligtasa'y nagbubuhat sa kanya.

2Tanging siya lamang ang tagapagligtas,

tagapagtanggol ko at aking kalasag;

akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

3Hanggang kailan ba ninyo lulupigin ang sinuman na nais ninyong patayin?

Tulad ng isang pader siya'y ibagsak gaya ng bakod siya'y mawawasak.

4Nais lamang ninyong siya ay siraan, sa inyong adhikang ibaba ang dangal;

ang magsinungaling, inyong kasiyahan.

Pangungusap ninyo, kunwa'y pagpapala,

subalit sa puso'y inyong sinusumpa. (Selah)

5Tanging sa Diyos lang ako umaasa;

ang aking pag-asa'y tanging nasa kanya.

6Tanging siya lamang ang tagapagligtas,

tagapagtanggol ko at aking kalasag;

akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

7Ang kaligtasan ko't aking karangalan ay buhat sa Diyos, nasa kanya lamang.

Siya'y malakas kong tagapagsanggalang,

matibay na muog na aking kanlungan.

8Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak

ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas;

siya ang kublihang may dulot na lunas. (Selah)

9Ang taong nilalang ay katulad lamang

ng ating hiningang madaling mapatid.

Pagsamahin mo ma't dalhin sa timbangan,

katumbas na bigat ay hininga lamang.

10Huwag kang magtiwala sa gawang marahas,

ni sa panghaharang, umasang uunlad;

kahit umunlad pa ang iyong kabuhayan

ang lahat ng ito'y di dapat asahan.

11Hindi na miminsang aking napakinggan

na taglay ng Diyos ang kapangyarihan,

12atJob 34:11; Jer. 17:10; Mt. 16:27; Ro. 2:6; Pah. 2:23. di magbabago kanyang pagmamahal.

Ayon sa ginawa ng sinumang tao, doon nababatay ang gantimpala mo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help