Mga Awit 122 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

1Ako ay nagalak nang sabihin nila:

“Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.”

2Sama-sama kami matapos sapitin,

ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem.

3Itong Jerusalem ay napakaganda,

matatag at maayos na lunsod siya.

4Dito umaahon ang lahat ng angkan,

lipi ni Israel upang manambahan,

ang hangad, si Yahweh ay pasalamatan,

pagkat ito'y utos na dapat gampanan.

5Doon din naroon ang mga hukuman

at trono ng haring hahatol sa tanan.

6Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin:

“Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.

7Pumayapa nawa ang banal na bayan,

at ang palasyo mo ay maging tiwasay.”

8Alang-alang sa kasama at pamilya ko,

sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito: “Ang kapayapaa'y laging sumaiyo.”

9Dahilan sa bahay ni Yahweh, ating Diyos,

ang aking dalangi'y umunlad kang lubos.

Panalangin Upang Kahabagan

Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help