Mga Awit 87 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Awit ng Pagpaparangal sa JerusalemIsang Awit na katha ng angkan ni Korah.

1Sa Bundok ng Zion, itinayo ng Diyos ang banal na lunsod,

2ang lunsod na ito'y

higit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.

3Kaya't iyong dinggin

ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lunsod ng Diyos: (Selah)

4“Kapag isinulat ko at ang mga bansang sa iyo'y sasama,

aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia;

ibibilang ko rin bansang Filistia, Tiro at Etiopia.”

5At tungkol sa Zion,

sasabihin nila, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan,

siya'y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”

6Si Yahweh ay gagawa,

ng isang talaan ng lahat ng taong doo'y mamamayan, (Selah)

7sila ay aawit, sila ay sasayaw, at sila'y sabay-sabay na magsasabing,

“Ang aking mga pagpapala'y ang Zion ang bukal.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help