Mga Awit 46 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Ang Diyos ay SumasaatinKatha ng angkan ni Korah upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa Alamot

1Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan,

at handang saklolo kung may kaguluhan.

2Di dapat matakot, mundo'y mayanig man,

kahit na sa dagat ang bundok matangay;

3kahit na magngalit yaong karagatan,

at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)

4May ilog ng galak sa bayan ng Diyos,

sa banal na templo'y ligaya ang dulot.

5Ang tahanang-lunsod ay di masisira;

ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,

mula sa umaga ay kanyang alaga.

6Nangingilabot din bansa't kaharian,

sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam.

7Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan,

ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)

8Anuman ang kanyang ginawa sa lupa,

sapat nang pagmasdan at ika'y hahanga!

9Maging pagbabaka ay napatitigil,

sibat at palaso'y madaling sirain;

baluting sanggalang ay kayang tupukin!

10Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman,

kataas-taasan sa lahat ng bansa,

sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”

11Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan;

ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help