Mga Awit 23 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Si Yahweh ang Ating PastolAwit ni David.

1Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;

2pinapahimlayPah. 7:17. niya ako sa luntiang pastulan,

at inaakay niya sa tahimik na batisan.

3Pinapanumbalik ang aking kalakasan,

at pinapatnubayan niya sa tamang daan,

upang aking parangalan ang kanyang pangalan.

4Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan,

wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay.

Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

5Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo,

na nakikita pa nitong mga kalaban ko;

sa aking ulo langis ay ibinubuhos,

sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos.

6Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay;

at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help