Mga Awit 120 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Panalangin Upang Tulungan ng DiyosIsang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.

1Nang ako'y manganib, kay Yahweh dumaing,

dininig niya ako sa aking dalangin.

2Sa taong di tapat, gawai'y manlinlang,

Yahweh, iligtas mo't ako'y isanggalang.

3Sa kamay ng Diyos, kayong sinungaling,

ano kayang parusa ang inyong kakamtin?

4Tutudlain kayo ng panang matalim,

at idadarang pa sa may bagang uling.

5Ako ay kawawa; ako ay dayuhan,

sa Meshec at Kedar, ako ay namuhay.

6Matagal-tagal ding ako'y nakapisan

ng hindi mahilig sa kapayapaan.

7Kung kapayapaan ang binabanggit ko,

pakikipagbaka ang laman ng ulo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help