Mga Awit 15 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Ang Hinihiling ng DiyosAwit ni David.

1O Yahweh, sino kayang makakapasok sa iyong Templo?

Sinong karapat-dapat sumamba sa iyong burol na sagrado?

2Ang taong masunurin sa iyo sa lahat ng bagay,

at laging gumagawa ayon sa katuwiran,

mga salita'y bukal sa loob at pawang katotohanan,

3at ang kapwa'y hindi niya sisiraan.

Di siya gumagawa ng masama sa kanyang kaibigan,

tungkol sa kapwa'y di nagkakalat ng kasinungalingan.

4Ang itinakwil ng Diyos ay di niya pinapakisamahan,

mga may takot kay Yahweh, kanyang pinaparangalan.

Sa pangakong binitiwan, siya'y laging tapat,

anuman ang mangyari, salita'y tinutupad.

5Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pinautang,

di nasusuhulan para ipahamak ang walang kasalanan.

Ang ganitong tao'y di matitinag kailanman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help