Lucas 2 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Ang Pagsilang ni Jesus(Mt. 1:18-25)

1Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma.

2Ang unang sensus na ito ay ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Siria.

3Kaya't umuwi ang bawat isa sa sari-sariling bayan upang magpatala.

4Mula sa Nazaret, isang lunsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya'y mula sa angkan ni David.

5Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa, na noon ay kabuwanan na.

6Habang sila'y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria.

7Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.

Ang mga Pastol at ang mga Anghel

8Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa nang gabing iyon.

9Lumapit

50Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.

51Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso.

52Patuloy1 Sam. 2:26; Kaw. 3:4. na lumaki si Jesus; lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help