1Mapapahamak kayo, mga gumagawa ng hindi makatarungang batas na umaapi sa mga tao,
2upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan,
upang alisan ng karapatan ang mahihirap,
at upang pagsamantalahan ang mga biyuda at ulila.
3Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa,
pagdating ng pagkawasak na magmumula sa malayo?
Kanino kayo lalapit upang humingi ng tulong,
at kanino ninyo iiwanan ang inyong kayamanan,
4upang hindi kayo mabilanggo, o mamatay sa labanan?
Sa kabila ng lahat ng ito, hindi nawawala ang kanyang poot;
patuloy niyang paparusahan ang kanyang bayan.
Ang Layunin ng Diyos at ang Hari ng Asiria5Ikaw
lumampas na siya sa Migron
at iniwan sa Micmas ang kanyang dala-dalahan.
29Nakatawid na sila sa tawiran,
at sa Geba magpapalipas ng gabi.
Nanginginig ang mga taga-Rama
at tumakas na ang mga taga-Gibea na kababayan ni Saul.
30Sumigaw kayo ng malakas, mga taga-Galim!
Makinig kayo mga taga-Laisa;
sumagot kayo, taga-Anatot!
31Tumatakas na ang Madmena,
nag-alisan na ang mga taga-Gebim para sa kanilang kaligtasan.
32Sa araw na ito darating sa Nob ang kaaway,
ibinigay na niya ang hudyat
na salakayin ang Bundok ng Zion,
ang Burol ng Jerusalem.
33Masdan ninyo si Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon!
Sa pamamagitan ng nakakapangilabot na lakas,
ibubuwal niya ang pinakamatataas na puno.
Ibinabagsak niya ang mga palalo.
34Ibinubuwal niya ang mga punongkahoy sa kagubatan sa pamamagitan ng palakol,
bagsak na ang Lebanon at ang matatayog nitong punongkahoy.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
