Mga Awit 82 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Diyos ang Kataas-taasang HariAwit ni Asaf.

1Ang Diyos ang namumuno ng pulong sa kalangitan,

sa pulong ng mga diyos, ganito ang kapasyahan:

2“Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama,

tumigil na ng paghatol na panig sa masasama. (Selah)

3Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila,

at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.

4Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!

5“Anong pagkamangmang ninyo, wala kayong nalalaman!

Sa gitna ng kadilima'y doon kayo nananahan,

sa ibabaw ng daigdig ay wala nang katarungan.

6AngJn. 10:34. sabi ko, kayo'y diyos, anak ng Kataas-taasan,

7ngunit tulad nitong tao, lahat kayo'y mamamatay;

katulad din ng prinsipe, papanaw ang inyong buhay.”

8O Diyos, ikaw ay magbangon at daigdig pagharian,

ang lahat ng mga bansa ay hawak ng iyong kamay!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help