Mga Awit 70 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos (Awit 40:13-17)Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit. Inaawit tuwing mag-aalay ng handog pang-alaala.

1Iligtas mo ako ngayon, Yahweh, ako ay iligtas,

tulungan mo ako, O Diyos, nang di mapahamak!

2Mga taong nagtatangkang kumitil sa aking buhay,

bayaan mong mangalito't mag-ani ng kabiguan;

iyon namang natutuwa sa taglay kong kahirapan,

bayaan mong mapahiya at magapi ng kalaban.

3Sila namang ang layunin ay magtawa at mangutya,

sa kanilang pagkatalo, bayaan ding mapahiya.

4Ang lahat ng lumalapit sa iyo ay magkatuwa,

gayon din ang nagmamahal sa pagtubos mong ginawa,

at sabihing lagi nila: “O Diyos, ikaw ay dakila!”

5Lubos akong naghihirap, tunay na nanghihina,

lumapit ka sana agad, O Diyos, sana'y lumapit ka;

O aking tagapagligtas, katulong ko sa tuwina,

huwag mo akong paghintayin, Yahweh, sana'y mahabag ka!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help