Mga Awit 81 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Awit sa Araw ng KapistahanKatha ni Asaf upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa Gittith.

1Masiglang awitan ang Tagapagligtas, itong Diyos ni Jacob, awitang may galak.

2Umawit sa saliw ng mga tamburin,

kasabay ng tugtog ng lira at alpa.

3Hipan

8Kapag nangungusap, ako'y inyong dinggin,

sana'y makinig ka, O bansang Israel.

9AngExo. 20:2-3; Deut. 5:6-7. diyus-diyosa'y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa'y di dapat yukuran.

10Ako ay si Yahweh, ako ang Diyos mo,

ako ang tumubos sa iyo sa Egipto;

pagkaing gustuhin ibibigay ko sa iyo.

11“Ngunit ang bayan ko'y hindi ako pansin,

di ako sinunod ng bayang Israel,

12sa tigas ng puso, aking hinayaang

ang sarili nilang gusto'y siyang sundan.

13Ang tangi kong hangad, sana ako'y sundin,

sundin ang utos ko ng bayang Israel;

14ang kaaway nila'y aking lulupigin,

lahat ng kaaway agad lilipulin.

15Silang namumuhi't sa aki'y napopoot, ay magsisiyuko sa laki ng takot,

ang parusa nila'y walang pagkatapos.

16Ngunit ang mabuting bunga nitong trigo, ang siyang sa inyo'y ipapakain ko;

at ang gusto ninyong masarap na pulot, ang siyang sa inyo'y aking idudulot.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help