Isaias 44 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Si Yahweh Lamang ang Diyos

1Sinabi ni Yahweh,

“Ikaw Jacob, na lingkod ko, ako ay pakinggan;

lahi ni Israel, ang pinili kong bayan!

2Akong si Yahweh ang sa iyo ay lumalang;

tinulungan na kita mula nang ikaw ay isilang.

Huwag kang matakot, ikaw na aking lingkod,

ang bayan kong minamahal.

3Aking ibubuhos ang saganang tubig sa uhaw na lupa,

sa tuyong lupa maraming batis ang padadaluyin.

Ibubuhos ko sa iyong mga anak ang aking Espiritu,

at ang mga liping susunod sa iyo ay pagpapalain.

4Sila ay sisibol tulad ng damong sagana sa tubig,

sila'y dadaloy tulad ng halaman sa tabi ng batis.

5Bawat isa'y magsasabing, ‘Ako ay kay Yahweh.’

Sila ay darating upang makiisa sa Israel.

Itatatak nila sa kanilang mga bisig ang pangalan ni Yahweh,

at sasabihing sila'y kabilang sa bayan ng Diyos.”

6Ang Lubusan na siyang nailigaw ng kanyang maling paniniwala at mahirap nang ituwid. At hindi siya papayag na ang rebultong hawak niya ay hindi mga diyos.

Si Yahweh, ang Manlilikha at Tagapagligtas

21Sinabi ni Yahweh,

“Tandaan mo Israel, ikaw ay aking lingkod.

Nilalang kita upang maglingkod sa akin.

Hindi kita kakalimutan.

22Ang pagkakasala mo'y pinawi ko na, naglahong ulap ang katulad;

Ika'y manumbalik dahil tinubos na kita at pinalaya.

23Magdiwang kayo, kalangitan!

Gayundin kayo kalaliman ng lupa!

Umawit kayo, mga bundok at kagubatan,

sapagkat nahayag ang karangalan ni Yahweh

nang iligtas niya ang bansang Israel.

24“Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo:

Ako ang lumikha ng lahat ng bagay.

Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan,

at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan.

25Aking1 Cor. 1:20. binibigo ang mga sinungaling na propeta

at ang mga manghuhula;

ang mga marurunong ay ginagawang mangmang,

at ang dunong nila'y ginawang kahangalan.

26Ngunit ang pahayag ng mga lingkod ko'y pawang nagaganap,

at ang mga payo ng aking mga sugo ay natutupad;

ako ang maysabing darami ang tao sa Jerusalem,

muling itatayo ang mga gumuhong lunsod sa Juda.

27Isang utos ko lamang, natutuyo ang karagatan.

28Ang2 Cro. 36:23; Ez. 1:2. sabi ko kay Ciro, ‘Ikaw ang gagawin kong tagapamahala.

Susundin mo ang lahat ng ipapagawa ko sa iyo.

Ang Jerusalem ay muli mong ipatatayo,

gayundin ang mga pundasyon ng Templo.’”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help