1 Mga Cronica 3 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Ang Angkan ni David

1Si David ay nagkaroon ng mga anak sa Hebron. Ang una ay si Amnon, anak niya kay Ahinoam na Jezreelita. Ang pangalawa ay si Daniel na anak naman niya kay Abigail na taga-Carmel.

2Ang pangatlo ay si Absalom, anak niya kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adonias ang pang-apat, anak naman kay Haguit.

3Ang panlima ay si Sefatias, anak kay Abital, at si Itream ang pang-anim na anak naman niya kay Egla.

4Anim na anak ni Amiel. Ito'y sina Simea, Sobab, Natan at Solomon.

6Siyam pa ang naging anak niya sa Jerusalem. Ito'y sina Ibhar, Elisama, Elifelet,

7Noga, Nefeg, Jafia,

8Elisama, Eliada at Elifelet.

9Ang mga ito ang mga anak ni David bukod pa sa mga anak niya sa kanyang mga asawang-lingkod. Iisa ang anak niyang babae, si Tamar.

Ang Angkan ni Haring Solomon

10Ito ang angkan ni Solomon: anak ni Solomon si Rehoboam na ama ni Abias, at anak naman ni Abias si Asa na ama ni Jehoshafat.

11Anak ni Jehoshafat si Joram na ama ni Ahazias. Anak naman ni Ahazias si Joas.

12Anak ni Joas si Amazias na ama ni Azarias, na ama naman ni Jotam.

13Anak ni Jotam si Ahaz na ama ni Ezequias na ama naman ni Manases.

14Anak ni Manases si Ammon na ama ni Josias.

15Apat ang naging anak ni Josias: sina Johanan, Jehoiakim, Zedekias at Sallum.

16Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias na ama ni Zedekias.

Ang Angkan ni Haring Jeconias

17Naging bihag sa Babilonia si Jeconias. Ang pito niyang anak ay sina Selatiel,

18Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at Nedabias.

19Ang mga anak naman ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei. Tatlo ang unang anak ni Zerubabel, sina Mesulam at Hananias at isang babae, si Selomit.

20Ang lima pang anak niya ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at Jusab-hesed.

21Mga anak ni Hananias sina Pelatias at Jesaias. Anak ni Jesaias si Refaias, anak ni Refaias si Arnan, anak ni Arnan si Obadias at anak ni Obadias si Secanias.

22Anim ang naging anak ni Secanias: sina Semaya, Hatus, Igal, Barias, Nearias at Safat.

23Tatlo ang naging anak ni Nearias: sina Elioenai, Ezequias at Azrikam.

24Pito naman ang naging anak ni Elioenai: sina Hodavias, Eliasib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaias at Anani.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help