1Ang aklat na ito ay naglalaman ng pangitaing ibinigay ng Panginoong Yahweh kay Propeta Obadias tungkol sa Edom.
Paparusahan ni Yahweh ang EdomMay narinig kaming ulat buhat sa Panginoong Yahweh;
may isang sugo na ipinadala sa mga bansa:
“Humanda kayo at ang Edom ay salakayin!”
2Sinabi ni Yahweh sa Edom,
“Gagawin kitang pinakamahinang bansa,
at kamumuhian ka ng lahat ng mga tao.
3Nilinlang ka ng iyong kayabangan;
dahil ang kapitolyo mo'y nakatayo sa batong buháy;
dahil ang tahanan mo'y nasa matataas na kabundukan.
Kaya't sinasabi mo,
‘Sinong makakapagpabagsak sa akin?’”
4Kasintaas man ng pugad ng agila ang iyong bahay,
o maging ang mga bituin man ay iyong kapantay,
hahatakin kitang pababa at ikaw ay babagsak.
5“Kung sa gabi'y dumating ang magnanakaw,
ang kinukuha lamang nila'y ang kanilang magustuhan.
Kapag ang mga tao'y namimitas ng ubas,
kahit kaunting bunga'y nagtitira sila.
Ngunit ang mga kaaway mo'y walang ititira kahit isa.
6O lahi ni Esau, ang yaman mo'y sasamsamin;
at ang lahat ng sa iyo'y kukuhanin.
7Nilinlang ka ng iyong mga kapanalig,
itinaboy ka mula sa iyong lupain.
Nasasakop ka na ngayon ng iyong mga kakampi.
Ang iyong mga kaibigang noo'y kasalo, ngayo'y naglagay ng patibong para sa iyo;
at kanila pang sinasabi, ‘Nasaan na ang kanyang katusuhan?’”
8Sinabi ni Yahweh:
“Darating ang araw na paparusahan ko ang Edom,
lilipulin ko ang kanyang mga matatalinong tao,
at ang kaalaman nila'y aking papawiin.
9Mga mandirigma ng Teman ay pawang nasisindak,
at ang mga kawal ng Edom ay malilipol na lahat.
Bakit Pinarusahan ang Edom10“Dahil sa ginawa mong karahasan sa angkan ng kapatid mong si Jacob,
sa kahihiya'y malalagay ka,
at mahihiwalay sa akin magpakailanman.
11Pinanood mo lamang sila,
nang araw na pasukin ng mga kaaway.
Kasinsama ka ng mga dayuhan
na nananamsam at naghahati-hati
sa kayamanan ng Jerusalem na kanilang tinangay.
12Hindi mo dapat ikinatuwa ang kapahamakang sinapit
ng iyong mga kapatid sa lupain ng Juda.
Hindi ka dapat nagalak sa araw ng kanilang pagkawasak;
hindi ka dapat naging palalo sa araw ng kanilang kasawian.
13Hindi mo dapat pinasok ang lunsod ng aking bayan,
ni pinagtawanan ang kanilang kasawian.
At sinamsam mo pa ang kanilang kayamanan
sa panahon ng kanilang kapahamakan.
14Hindi
ang siya namang sasakop sa mga lunsod sa timog ng Juda.
21Ang matagumpay na hukbo ng Jerusalem,
sasalakay sa Edom at doo'y mamamahala.
Si Yahweh mismo ang doo'y maghahari.”
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.