Jeremias 47 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Ang Pahayag ni Yahweh Tungkol sa mga Filisteo

1ItoIsa. 14:29-31; Eze. 25:15-17; Joel 4:4-8; Amos 1:6-8; Zef. 2:4-7; Zac. 9:5-7. ang pahayag na tinanggap ni Jeremias kay Yahweh tungkol sa mga Filisteo bago sinalakay ni Faraon ang Gaza:

2“Tumataas ang tubig sa hilaga,

at babaha, ito'y aapaw sa buong lupain;

magpapasaklolo ang mga tao,

maghihiyawan sa matinding takot.

3Maririnig ang ingay ng yabag ng mga kabayo,

ang paghagibis ng mga karwahe!

Hindi na maaalala ng mga magulang ang kanilang mga anak;

manghihina ang kanilang mga kamay,

4sapagkat dumating na ang araw ng pagkawasak ng mga Filisteo.

Ang pinakahuling magtatanggol sa Tiro at Sidon ay babagsak;

sapagkat lilipulin ni Yahweh ang mga Filisteo,

ang nalabi sa baybayin ng Caftor.

5Parang kinalbo ang Gaza;

pinatahimik ang Ashkelon.

Hanggang kailan magluluksa ang mga Filisteo?

6Kailan pa magpapahinga ang tabak ni Yahweh?

Lumigpit ka na sa kaluban, at doon manahimik!

7Paano naman itong mapapahinga?

Hindi pa tapos ang gawaing itinakda sa kanya ni Yahweh

laban sa Ashkelon at sa kapatagang malapit sa dagat;

doon nakatakda ang gawain nito.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help