Deuteronomio 32 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

1“Pakinggan mo, langit, ang aking sasabihin,

unawain mo, lupa, ang aking bibigkasin.

2Pumatak nawang gaya ng ulan ang aking ituturo,

ang salita ko nawa'y tulad ng hamog na namumuo;

upang halama'y diligan at damo'y tumubo.

3Sapagkat si Yahweh ay aking pupurihin,

ang kanyang pangalan ay inyong dakilain.

4“Si Yahweh ang inyong batong tanggulan,

mga gawa niya'y walang kapintasan,

mga pasya niya'y pawang makatarungan;

siya'y Diyos na tapat at makatuwiran.

5Datapwat ang Israel sa kanya ay nagtaksil,

di na karapat-dapat na mga anak ang turing,

dahil sa pagkakasala nila at ugaling suwail.

6O mga mangmang at hangal na tao,

ganyan ba susuklian ang kabutihan sa inyo ni Yahweh na inyong ama at sa inyo'y lumikha,

at nagtaguyod na kayo'y maging isang bansa?

7“Alalahanin ninyo ang mga lumipas na panahon, ang mga salinlahi ng mga nagdaang taon;

tanungin ninyo ang inyong ama at kanilang sasabihin,

pati ang matatanda at kanilang sasaysayin.

8Nang

44Ito nga ang inawit nina Moises at Josue sa harapan ng mga Israelita.

45Pagkatapos bigkasin ni Moises ang lahat ng ito sa harap ng buong bayan ng Israel,

46sinabi niya, “Itanim ninyo sa isip ang mga salitang narinig ninyo sa akin ngayon. Ituro ninyo sa inyong mga anak, upang masunod nilang mabuti ang buong kautusan.

47Mahalaga ang mga salitang ito sapagkat dito nakasalalay ang inyong buhay. Kung susundin ninyong mabuti, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing sasakupin ninyo sa kabila ng Jordan.”

Ipinatanaw kay Moises ang Canaan

48NangBil. 27:12-14; Deut. 3:23-27. araw ring iyon, sinabi ni Yahweh kay Moises,

49“Umakyat ka sa Abarim, sa Bundok ng Nebo na sakop ng Moab, sa tapat ng Jerico, at tanawin mo ang Canaan, ang lupaing ibibigay ko sa mga Israelita.

50Doon ka mamamatay sa bundok na iyon tulad ng nangyari kay Aaron sa Bundok ng Hor,

51sapagkat sinuway ninyo ako sa harapan ng bayang Israel noong sila'y nasa tabi ng tubig sa Meriba-kades sa ilang ng Zin. Hindi ninyo pinakita sa mga Israelita na ako ay banal.

52Matatanaw mo ang lupaing ibibigay ko sa bayang Israel ngunit hindi mo ito mararating.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help