Mga Awit 63 - Ang Biblia(TLAB)

1Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.

2Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario. Upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.

3Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay: pupurihin ka ng aking mga labi.

4Sa gayo'y pupurihin kita habang ako'y nabubuhay: igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.

5Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba; at ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;

6Pagka naaalaala kita sa aking higaan, at ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.

7Sapagka't naging katulong kita, at sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.

8Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo: inaalalayan ako ng iyong kanan.

9Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak, magsisilusong sa mga lalong mababang bahagi ng lupa.

10Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak: sila'y magiging pagkain sa mga zorra.

11Nguni't ang hari ay magagalak sa Dios: bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati; sapagka't ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help