I Mga Cronica 3 - Ang Biblia(TLAB)

1Ang mga ito nga ang mga anak ni David, na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron: ang panganay ay si Amnon, ni Achinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, ni Abigail na Carmelita;

2Ang ikatlo'y si Absalom, na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith;

3Ang ikalima'y si Sephatias, ni Abithal; ang ikaanim ay si Itream, ni Egla na asawa niya.

4Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron; at doo'y naghari siyang pitong taon at anim na buwan: At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu't tatlong taon.

5At ito ang mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: si Simma, at si Sobab, at si Nathan, at si Solomon, apat, ni Beth-sua na anak na babae ni Ammiel:

6At si Ibaar, at si Elisama, at si Eliphelet;

7At si Noga, at si Nepheg, at si Japhia;

8At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet, siyam;

9Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga babae; at si Thamar ay kanilang kapatid na babae.

10At ang anak ni Solomon ay si Roboam, si Abia na kaniyang anak, si Asa na kaniyang anak, si Josaphat na kaniyang anak;

11Si Joram na kaniyang anak, si Ochozias na kaniyang anak, si Joas na kaniyang anak;

12Si Amasias na kaniyang anak, si Azarias na kaniyang anak, si Jotham na kaniyang anak;

13Si Achaz na kaniyang anak, si Ezechias na kaniyang anak, si Manases na kaniyang anak;

14Si Amon na kaniyang anak, si Josias na kaniyang anak.

15At ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Joacim, ang ikatlo'y si Sedecias, ang ikaapat ay si Sallum.

16At ang mga anak ni Joacim: si Jechonias na kaniyang anak, si Sedecias na kaniyang anak.

17At ang mga anak ni Jechonias, na bihag: si Salathiel na kaniyang anak,

18At si Mechiram, at si Pedaia at si Seneaser, si Jecamia, si Hosama, at si Nedabia.

19At ang mga anak, ni Pedaia: si Zorobabel, at si Simi. At ang mga anak ni Zorobabel; si Mesullam, at si Hananias; at si Selomith, na kanilang kapatid na babae:

20At si Hasuba, at si Ohel, at si Berechias, at si Hasadia, at si Jusabhesed, lima.

21At ang mga anak ni Hananias: si Pelatias, at si Jesaias; ang mga anak ni Rephaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obdias, ang mga anak ni Sechanias.

22At ang mga anak ni Sechanias: si Semaias; at ang mga anak ni Semaias: si Hattus, at si Igheal, at si Barias, at si Nearias, at si Saphat, anim.

23At ang mga anak ni Nearias: si Elioenai, at si Ezechias, at si Azricam, tatlo.

24At ang mga anak ni Elioenai: si Odavias, at si Eliasib, at si Pelaias, at si Accub, at si Johanan at si Delaias, at si Anani, pito.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help